Saved in:
| Hovedforfatter: | |
|---|---|
| Format: | Recurso digital |
| Sprog: | Filippinsk |
| Udgivet: |
Zenodo
2026
|
| Fag: | |
| Online adgang: | https://doi.org/10.5281/zenodo.20032547 |
| Tags: |
Tilføj Tag
Ingen Tags, Vær først til at tagge denne postø!
|
Indholdsfortegnelse:
- <p><span>Sinusuri ng papel na ito ang tatlong magkakaugnay na paksa: ang propesyonal na pagkakakilanlan ng Lisensyadong Tagaplano Pangkapaligiran (Environmental Planner o EnP) sa Pilipinas; ang kahalagahan ng urban planning sa isang malaki at kumplikadong kalunsuran tulad ng Kalakhang Maynila; at ang tiyak na gampanin ng mga tagaplano sa pamamahala ng paggamit ng lupa at zonipikasyon. Iniilagay ng papel ang mga paksang ito sa loob ng mas malawak na balangkas ng sustainable development — partikular ang 17 Sustainable Development Goals (SDGs) ng United Nations, ang mga pandaigdigang prinsipyo ng sustainability, at ang mithiin ng Ambisyon 2040 ng Department of Economic Planning and <span> </span>Development (DepDev) para sa Pilipinas bilang produkto ng futures thinking at hirayamanawari. Gumagamit ang pag-aaral ng qualitative policy analysis at documentary review bilang metodolohiya, na sumasaklaw sa pagsusuri ng mga batas, propesyonal na pamantayan, at mga internasyonal na alituntunin ng pagpaplano. Nalaman ng pananaliksik na ang EnP ay isang natatanging propesyon na nagtataglay ng mahalagang papel sa pagsasalin ng mga layunin ng sustainable development — mula sa pandaigdigang antas ng SDGs hanggang sa lokal na antas ng Comprehensive Land Use Plan (CLUP) at Zoning Ordinance. Ang pagkakakilanlan ng EnP ay binubuo ng tatlong dimensyon: teknikal, propesyonal, at panlipunan, na magkasamang nagtatakda ng isang propesyon na may pananagutang itaguyod ang kabutihang pampubliko at ang kalikasan. Sa Kalakhang Maynila, ang epektibong pamamahala ng paggamit ng lupa ay isang di-maiiwasang kondisyon para sa pagkamit ng maunlad na pamayanan, at upang makamit ang Ambisyon 2040 at ang mga SDG na may kaugnayan sa lungsod, pabahay, kalikasan, at climate action.</span></p>